NARARAPAT na maisabatas ang refunds o adjustments ng monthly billing para sa hindi inanunsiyo o hindi naka-schedule na service interruption.
Partikular na kung hindi dahilan dito ang pagkakaroon ng kalamidad.
Ayon kay Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Almario sa kaniyang House Bill No. 8191, napapansin nya na kahit nagkaroon ng power outage, water supply interruption o kaya’y internet connection, sinisingil pa rin ng utility companies ang kanilang konsyumer dito.
Dahil dito, kung maisasabatas, ipatutupad ang forfeitures ng overhead charges para sa unannounced at unscheduled interruptions.
Saklaw ng mabibigyan ng refund o bill adjustment ng utility companies ang interruption na umaabot ng 24 oras o lagpas pa. | Originally published in SMNI News